Rep. Yap handang sumagot sa kaso sakaling magsampa ng PSG sa kanya

Nakahanda si House Appropriations Committee Chairman at ACT-CIS Rep. Eric Go Yap na harapin ang kasong isasampa ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay Yap, sasagutin niya ang kaso sakaling kasuhan siya ng PSG ng paglabag sa COVID-19 protocols.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si Yap sa Ehekutibo at sa mga kongresista na kanyang nakasama matapos na magpositibo ito sa COVID-19.

Sabi ng mambabatas, humihingi siya ng paumanhin at pangunawa sa mga opisyal ng pamahalaan na nakasama sa pulong sa Makanyang noong March 21 at sa mga mambabatas na kasama sa special session nitong March 23.

Paliwanag ng kongresista, hindi siya nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 tulad ng pagkahilo at hirap sa paghinga at wala din siyang alam na positibo siya nang mga panahon na dumalo siya sa pulong sa Palasyo at sa special session.

Naging maingat aniya siya at tiniyak ang social distancing sa mga opisyal habang nasa labas.

Nanghinayang din si Yap sa dami ng trabaho lalo na kung sakaling negatibo siya kaya’t inuna pa rin niya ito sa kabila ng hinihintay na resulta ng test.

Read more...