Mga militante, tinangkang makalapit sa bahay ni PNoy sa Times Street

FILE Photo / Isa Umali
FILE Photo / Isa Umali

Kilos-protesta ang iniregalo ng mga militante sa kaarawan ngayon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Tinangka pa ng mga miyembro ng grupong Kadamay na makalapit sa mismong bahay ng pangulo sa Times Street sa Quezon City.

Pero agad naman silang hinarang ng mga pulis na nakabantay sa lugar.

Sigaw ng nasa dalawampung mga miyembro ng Kadamay, bigong matugunan ni PNoy ang kahirapan sa bansa.

Kinundina din ng grupo ang anila ay pag-veto ni Pangulong Aquino sa panukalang taasan ng P2,000 ang pensyon ng mga SSS retirees.

Read more...