Muling pagpapaliban sa ballot printing, pinag-aaralan na ng Comelec

BautistaPinag-aaralan ng Commission on Elections na muling na iurong ang pag-iimprenta ng balota para sa May 9 national elections.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista sa halip posibleng sa February 15 na lamang nila umpisahan ang pag-imprenta sa opisyal na balota.

Paliwanag ni Bautista, may mga kandidato kasi sa pagkapangulo ang umurong na sa halalan tulad ni Congressman Roy Señeres na kanina ay pumanaw dahil sa cardiac arrest.

Ang ballot printing ay unang itinakda ng Comelec noong February 1 subalit iniurong ito ng ngayong araw, February 8.

Pero sa halip na masimulan kaninang umaga, sinabi ng Comelec na dry-run lamang ang kanilang magagawa dahil nga kailangan pang ayusin ang pinal na listahan ng mga kandidato.

Sinabi ni Bautista na nais nilang pinal na ang lahat ng ilalagay na pangalan sa balota bago simulant ang pag-imprenta para hindi na rin magdulot pa ng kalituhan sa mga botante.

Read more...