Pero ang malungkot, hindi na isinama ng Comelec ang supervision sa Social Weather Stations, Pulse Asia at iba pang mga survey firm sa pagpapalabas ng mga pre-election surveys matapos magdesisyon ang Korte Suprema sa SWS vs. Comelec.
Noong 2013, pinagbawalan ang SWS at Pulse Asia na maglabas ng survey 15 days bago ang halalan pero ito’y dineklarang “unconstitutional” ng Korte Suprema na naglinaw din na ang desisyon ay para sa 2013 elections lamang at hindi sa 2016.
Kaya ngayon, nalibre na ang operasyon ng mga “mind conditio-ners” para gawin ang kanilang kwestyu-nableng survey.
Sa mga eksperto, mahirap paniwalaan kasi ang sinasabi ng SWS at Pulse Asia na dalawa hanggang apat na porsyento lang ng mga respondents ang sumasagot ng “don’t know/refused/none.”
Sa buong mundo, ang standard na bilang ng mga “undecided” ay pumapalo ng 35 porsyento habang papalapit ang halalan. At dahil nasa dalawa hanggang apat na porsyento ang ginagamit ng SWS at Pulse, namamasahe nila ang results ng survey.
Ang Pulse Asia ay naglabas na ng kanilang Jan. 24-28 survey, at nanguna rito si Senador Grace Poe na umakyat na siyam na puntos ang rating; nasa ikalawa si Vice President Jejomar Binay na bumaba naman ng 10 puntos habang tabla sina Mar Roxas (na umakyat ng tatlong puntos) at Davao City Mayor Rodrigo Duterte (na bumaba ng tatlong puntos). Dalawang porsyento ang nagsabi ng “don’t know/refused/none.”
Susunod na ring maglalabas ng survey ng SWS at Trends.
Ngayon, ang tanong natin, “accurate” ba ang mga survey na ito? Sa akin, mas naniniwala ako sa mga hindi isina-sapublikong non-commissioned at internal surveys ng mga partido pulitikal, ng Malakanyang at interest groups, relihiyon man o negosyante. Mga surveys na ginagamit nila sa pagdedesisyon at pagpili ng susuportahang kandidato.
Nito lang Enero, isang bubwit sa Malakanyang ang bumulong sa atin tungkol sa resulta ng higit 133,000 respondents na survey na ginawa ng Palasyo. At dito si Binay ang nanguna, at nakakuha ng 41 porsyento; si Poe, 28 porsyento; Duterte, 22 porysento; at Roxas 13 porysento lang.
Meron ding taga-INC na bumulong na halos hindi nagkakalayo ang ganitong resulta sa kanila.
Ngayon, sino ang paniniwalaan natin?
Sa ganang akin, makabubuting sundin natin ang sinasabi ni UP professor Clarita Carlos na balewalain ang mga surveys na ito at bumoto batay sa sariling “research” at matalinong pagsusuri ng mga kandidato.
Sabi pa ni Prof. Carlos, iwasan daw nating maulit na bumoto tayo dahil namatayan ang isang kandidato.
Maling mali na sumakay tayo sa tinawag niyang “refle-xive prediction” na “modus operandi” nga-yon ng Pulse Asia at SWS at lahat ng survey companies.
Mga pakanang ginagawa upang mahikayat, mabola, malinlang ang mga 35 porsyentong “undecided voters” na bumoboto sa mga “sure winners” o siguradong panalo. Pero, ang siste, maniobra lang pala ng mga negosyanteng pollsters.