PSG, pinag-aaralan na ang paghahain ng kaso vs Rep. Yap

Pinag-aaralan na ng Presidential Security Group (PSG) ang paghahain ng kaso laban kay ACT CIS Partylist Representative Eric Go Yap.

Ito ay dahil sa hindi pagdedeklara ni Yap sa health declaration form na pinapa-fill up ng PSG na nakararanas na pala siya ng sintomas ng COVID-19 at sumailalim na sa testing noong March 15.

March 21, nagtungo si Yap sa Malakanyang para makipagpulong sa ilang mambabatas at Gabinete para tugunan ang COVID-19.

Ayon kay PSG Commander Colonel Jesus Durante, mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng kanilang hanay para masiguro ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pa.

“Well actually for us we have been implementing strict security measures para kahit sino man ang pumasok dito sa Palasyo, and we are letting them sign a declaration form. Ang problema itong si Cong. Yap, he did fill up itong form but he did not declare na may contact na siya with some people who were found positive, and he has cough, he has been experiencing some symptoms. Hindi niya lahat dineclare ito,” pahayag ni Durante.

Wala naman aniyang kapabayaan sa hanay ng PSG, bagkus hindi lamang naging tapat si Yap.

May isang team na aniya ang PSG na nag-iimbestiga kay Yap.

“Ongoing yung investigation, I have a team, nag form na ako ng team actually from our task force and from the team. If it’s really necessary that we have to file a case against him, then we will.
Then cut to And actually of the part of the congressman, since hindi niya dinivulge lahat, if really needed we could file a case against him. For the breach nung ginawa niya,” dagdag ni Durante.

Dahil sa pagsisinungaling ni Yap, anim na PSG personnel at humigit-kumulang sa 20 staff ng Office of the President ang naka-quarantine na at person under investigation.

Pakiusap ni Durante sa mga nagtutungo sa Palasyo, maging tapat at huwag magsinungaling.

Nilimitahan na rin aniya ng PSG ang mga meeting ni Pangulong Duterte para masiguro ang kanyang kaligtasan.

“Sa ngayon, we are actually restricting any visitors or yung, even the meetings are very limited. Last meeting with the IATF it was conducted video conferencing meeting and then phone calls, if necessary. But direct meetings, nawala na yun. But for now, all we could say actually itong mga especially high level meetings natin, and even dito sa mga pumapasok sa Malacanang complex kasi may skeletal force pa rin tayo dito, we are just reminding them to please cooperate with us here at PSG, and they should be honest in disclosing all of this information that… Ang bottomline nito is we are fighting COVID-19. So this is for the safety and for the good health of everyone of us, not only the President but para po sating lahat ito,” ayon kay Durante.

Read more...