Global death toll sa COVID-19 mahigit 20,000 na; death toll ng China naungusan na ng Spain

Mahigit 20,000 ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang panig ng mundo dahils a COVID-19.

Mayroon nang 21,200 na global death toll dahil sa sakit.

Ang Italy ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nasawi na umabot na sa 7,503.

Naungusan naman na ng Spain ang death toll ng China at ito na ngayon ang pangalawa sa may pinakamaraming bilang ng nasawi na 3,647.

Ito ay makaraang makapagtala ang Spain ng 656 na nasawi sa nakalipas na magdamag.

Pangatlo sa may pinakamaraming nasawi ang China na 3,287. 6 lang ang naitalang nasawi sa China sa magdamag.

Ang Iran naman ang ikaapat na bansa na may pinakamaraming nasawi na umabot sa 2,077.

Habang panglima ang France na mayroong death toll na 1,331.

Narito ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng maraming nasawi dahil sa COVID-19:

USA – 944
UK – 465
Netherlands – 356
Germany – 206
Belgium – 178
Switzerland – 153
South Korea – 126
Sweden – 62
Brazil – 59
Turkey – 59
Indonesia – 58
Japan – 45
Portugal – 43
Philippines – 38
Canada – 36
Denmark – 34
Austria – 30
Iraq – 29
Ecuador – 29
Greece – 22
Egypt – 21
Algeria – 21
San Marino – 21
Malaysia – 20
Romania – 17
Norway – 14
Poland – 14
India – 12
Australia – 11
Diamond Princess – 10
Dominican Republic – 10
Hungary -10

 

 

 

Read more...