Aktor na si Domingo “Menggie” Cobarrubias, pumanaw na

Pumanaw sa edad na 68 ang aktor na si Domingo “Menggie” Cobarrubias.

Sa ulat ng Inquirer Magazine na Inquirer Golf, alas 8:20 ng umaga nang pumanaw si Cobarrubias sa Asian Hospital sa Alabang dahil kumplikasyon sa sakit na pneumonia.

Maliban sa kaniyang showbiz career ay nasa automotive industry din si Cobarrubias.

Base sa ulat ay nagpakuha rin ng test ang aktor para sa COVID-19 at hinihintay pa ang reslulta nito.

Read more...