Isa pang doktor pumanaw dahil sa COVID-19

Isa pang doktor ang pumanaw dahil sa sakit na COVID-19.

Pumanaw na si Philippine Pediatric Society Pres. Dr. Sally Gatchalian, na kapatid ng aktres at TV Host na si Ruby Rodriguez.

Sa kaniyang post sa Instagram ay kinumpirma ni Rodriguez ang pagpanaw ni Gatchalian.

Nanilbihan din noon si Gatchalian bilang assistant director ng RITM.

Si Gatchalian na ang pang-siyam na doktor sa bansa na nasawi dahil sa COVID-19.

 

 

Read more...