Botante man o hindi, dapat bigyan ng COVID-19 aid – Sen. Grace Poe

Hiniling ni Senator Grace Poe sa Inter-Agency Task Force for COVID-19 na agad linawin ang polisiya sa pagbibigay tulong sa mga apektado ng enhanced community quarantine.

Ginawa ito ni Poe matapos makatanggap ng mga ulat na hindi binibigyan ng tulong ng mga barangay ang mga hindi rehistradong botante ng lugar gayundin ang mga nakikitira o umuupa lang.

Iginiit nito ang pahayag ng DILG na hindi kailangan hanapan ng voter’s ID ang bibigyan ng anuman uri ng tulong.

Sinabi ni Poe na ang lahat ay apektado ng krisis at hindi kinakailangan na sila ay rehistradong residente o botante para mabigyan ng tulong.

Ayon sa senadora ang sitwasyon ngayon ay problema ng lahat kayat dapat lahat ay mabigyan ng tulong ng gobyerno.

Read more...