Ang naturang flight na umalis alas 10:27 ng gabi sa NAIA ang huling international flight ng PAL.
Simula ngayong araw, March 26, suspendido na ang lahat ng biyahe ng PAL hanggang sa April 14.
Sa post ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL ibinahagi nito ang video ng pag-alis sa parking bay ng huling flight ng airline.
“The aircraft movements at the ramp all the way to the runway may have seemed just kapart of the usual daily grind. But tonight’s departure of PR104 was different. It was the last flight departure out of our Manila hub before Philippine Airlines takes a pause in its operations,” ayon kay Villaluna.
Kasabay nito pinasalamatan ni Villaluna ang mga staff nila na nananatili sa serbisyo.
Kabilang dito ang mga piloto, crew, ticketing agents, at iba pang frontliners.