Ang mga motorista at mamamayan na patuloy na makikita sa mga lansangan ay pinaparusahan ng mga nakakalat na pulis.
Sa mga video at larawan na nakuha ng Reuters, makikita ang mga Indian police na pinapalo ang mga nahaharang sa kalsada.
Isang rickshaw driver ang nagtamo ng mga pasa matapos lumabag sa lockdown dahil kailangan niyang makabili ng pagkain para sa kaniyang apat na anak.
Mayroon ding inaataasang mag-push up at mag-sit ups kapag nahuhuling lumalabag.
Ipinatupad ang lockdown sa buong India at apektado ang 1.3 bilyon na populasyon nito. (END)
MOST READ
LATEST STORIES