British diplomat sa Budapest pumanaw dahil sa COVID-19

Isang senior British Diplomat ang pumanaw makaraang tamaan ng COVID-19.

Si Steven Dick, 37 anyos na deputy head of mission sa British Embassy sa Budapest ay nasawi matapos magpositibo sa sakit.

Sa statement ng Foreign Office nakiramay ito sa mga naulila ng opisyal.

Ayon sa mga magulang ni Dick, pangarap talaga nitong manilbihan sa Foreign and Commonwealth Office at masaya siyang maging kinatawan ng bansa.

 

 

Read more...