Pangalan ng 13 Pinay na nasawi sa sunog sa Iraq, natukoy na

REUTERS/Azad Lashkari
REUTERS/Azad Lashkari

Natapos na mga opisyal mula sa Philippine Embassy sa Baghdad ang pagkilala sa 13 Pinay na nasawi sa nasunog na hotel sa Iraq noong Sabado.

Ayon kay charge d’affaires Elmer Cato ng embahada ng Pilipinas sa Baghdad, tapos na ang pagkilala sa mga labi ng mga Pinay at sa ngayon ay nasa proseso naman sila ng pag-notify sa kaanak ng mga ito.

Ang 13 Pinay ay kabilang sa 21 nasawi sa sunog sa Capitol Hotel sa Erbil.

Umaasa si Cato na mabilis ang magiging proseso para maiuwi sa lalong madaling panahon ang labi ng mga Pinay sa kani-kanilang pamilya.

Sa normal na proseso aniya, karaniwang tumatagal ng dalawang linggo ang proseso ng repatriation sa mga labi.

Pero ayon kay Cato, tiniyak sa kanila ng regional government ng Kurdistan region na mapapaaga ang pag-repatriate sa mga biktima.

Read more...