ASG member patay sa engkwentro sa Sulu

File Photo/Josephine Codilla
File Photo/Josephine Codilla

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos na magsagawa ng special intelligence operations ang special forces ng Philippine Army sa lalawigan ng Sulu kahapon.

Kinilala ni Brigadier General Alan Arrojado ang nasawing bandido na si Haber alyas Abu Qudama na napatay ng militar sa Sitio Annur, Barangay Buanza, Indanan, Sulu.

Si Qudama ay sub-leader umano ng “Sibih Pisih” na nakabase sa mga bayan ng Indanan, Parang, at Maimbung

Mayroon itong warrant of arrest dahil sa pagkakasangkot sa Sipadan kidnapping, at Pearl Farm kidnapping sa Samal, Davao del norte noong May 2001

Agad na dinala ng mga tauhan ng Indanan Municipal Police Station ang mga labi ni Haber sa kanilang headquarters sa Kajatian, Indanan, Sulu.

Read more...