Italy nakapagtala ng 683 na nasawi sa COVID-19 sa magdamag

Nakapagtala ng 683 ppang nasawi sa Italy dahil sa COVID-19 sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito umakyat na sa 7,503 ang total deatha sa Italy ayon sa pinuno ng Civil Protection Agency.

Noong Sabado naitala ang pinakamataas na bilang ng nasawi sa magdamag sa Italy dahil sa COVID-19 na umabot sa 793.

Sa ngayon, umabot na sa 74,386 ang confirmed COVID-19 cases sa Italy.

Sa magdamag kasi ay 5,210 pa na COVID-19 cases ang naitala sa nasabing bansa.

Read more...