Temperatura sa Cotabato City kahapon umabot sa 35.5 degrees Celsius

Nakapagtala ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon, March 25.

Sa datos mula sa PAGASA, 35.5 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City.

Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:

San Jose, Occidental Mindoro – 35.2 degrees Celsius
Catbalogan City – 35.0 degrees Celsius
Dagupan City – 35.0 degrees Celsius
Zamboanga City – 35.0 degrees Celsius

Umabot naman sa 34.4 degrees Celsius ang naitalang highest temperature sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 36 degrees Celsius ganap na alas 1:50 ng hapon.

Read more...