Kagawad, anak arestado sa pagbebente ng overpriced na alcohol sa Pasay

Inaresto sa Pasay City ang isang kagawad ng barangay at kaniyang anak dahil sa pagbebenta ng overpriced na alcohol.

Dinakip sa entrapment operation ang suspek na si Gemma Montalbo, 51 anyos at kagawad sa Barangay 88, Pasay City at anak niyang si Eduardo Salvador, 24 anyos.

Natuklasan na ang dalawa ay nag-imbak ng kahon-kahong alcohol.

Ang mga inimbak nilang alcohol ay ibinebenta nila sa halagang P186 kada 550-ml na bote gayong ang totoong halaga lamang dapat nito ay P75.

Read more...