Kiblawan, Davao del Sur niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Kiblawan, Davao del Sur Miyerkules ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 7 kilometers Southwest ng Kiblawan dakong 6:35 ng gabi.

10 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Naramdaman ang intensity 1 sa Kidapawan City.

Wala namang napinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...