Anim pang Filipino sa Hong Kong, positibo sa COVID-19

Nasa anim pang Filipino sa Hong Kong ang nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, 13 na Filipino COVID-19 patients ang ginagamot sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Nagpapaabot naman ang konsulado ng mga kinakailangang tulong ng mga apektadong Filipino.

Kasunod nito, umapela ang konsulado sa mga Filipino sa Hong Kong na manatili na muna sa kani-kanilang tahanan.

Kung hindi maiiwasang lumabas, siguraduhin anilang umiwas sa matataong lugar at isagawa ang social distancing.

Humingi ng kooperasyon ng konsulado sa mga Filipino sa Hong Kong para malabanan ang nakakahawang sakit.

Read more...