BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 636

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (March 25), pumalo na sa 636 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

84 ang naitalang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa nakalipas na magdamang.

Samantala, sinabi ng DOH na anim pang pasyente ang naka-recover mula sa sakit kung kaya’t umabot na sa 26 ang total recoveries.

Ayon pa sa kagawawan, tatlo naman ang karagdagang nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, nasa 38 na ang death toll ng virus sa bansa.

Read more...