Manila City gov’t, nakatanggap ng ilang medical supplies mula sa Guangzhou

Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng ilang medical supplies mula sa Guangzhou.

Ito ay kasunod ng patuloy na paglaban ng gobyerno sa COVID-19.

Sa Twitter, ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang ilang larawan ng pag-turnover ng medical supplies.

Aniya, kabilang sa mga ibinigay na donasyon ng Guangzhou ang 200,000 N95 masks, 100,000 surgical masks at 2,000 thermal scanners.

Dahil dito, nakakapagbigay na aniya ng tig-dalawang thermal scanner sa bawat barangay ng lungsod.

Direktang ibibigay din aniya ang mga mask sa medical frontliners sa Maynila.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa Guangzhou Foreign Affairs Office Consul para sa ibinagay na tulong sa lungsod.

Read more...