Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ipinamahagi ang mga surgical mask sa Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, at Philippine General Hospital.
Sinabi ng kalihim na layon nitong makatulong para mabigyan ng proteksyon ang mga medical frontliner sa paglaban sa COVID-19.
Maliban dito, inihayag din ni Villar na kaisa ang kanilang hanay sa pagdarasal para sa kaligtasan at proteksyon ng bawat pamilyang Filipino, lalo na sa mga medical team na umaasiste sa mga pasyenteng apektado ng sakit.
Samantala, nakatanggap din ng 2,000 surgical masks ang Veterans Memorial Medical Center; 5,000 sa San Pedro Calungsod Medical Center; at 2,000 masks sa Land Transportation Office-National Capital Region.