Ayon kay DPWH Secretary Mark Villlar, anim na unit ng tents na magsisilbing temporary isolation unit ang ipinadala sa nasabing ospital.
Layon ng mga tent na maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ng kalihim na ipinadala ng DPWH Regional Office 3 ang mga tent na ibinigay bilang donasyon ng global humanitarian organization World Vision Clarkfield, Pampanga upang makatulong sa pagsugpo ng gobyerno sa nakakahawang sakit.
Dalawang dump truck, stake truck na may boom crane at ilang crew ng engineers, heavy equipment operators at drivers mula sa DPWH Pampanga First at Second District Engineering Offices ang nagtulung-tulong para sa pag-deliver nito sa Diliman, Quezon City.
“It is extremely heartwarming how the people are helping each other during the crisis and DPWH will always be ready to support our health sector by providing services and equipment”, dagdag pa ni Villar.