Ayon kay Teves, maaaring itakda ni Pangulong Rodrigo Duterte o ng Department of Health ang oras at araw kung kailan gagawin ang sabayang disinfection.
Kasabay nito, iminungkahi rin ng mambabatas ang pagkakaroon ng random COVID-19 testing kung hindi kakayanin ang maramihang pagsusuri.
Ayon sa kongresista, pwedeng gawin ang random testing sa matatao at mahihirap na lugar sa bansa.
Paliwanag nito, mas gagastos ang mahihirap na pamilya sa pagkain kaysa patingnan ang kalusugan.
Kaya naman, mas dapat aniyang tutukan ang sektor na ito ng populasyon dahil mas malaki ang tsansang kumalat sa kanilang lugar ang sakit nang hindi namamalayan.