Mga nananamantalang negosyante ipinaaresto ng isang kongresista

Congress photo

Nanawagan si Quezon City Rep. Precious Castelo sa mga awtoridad na arestuhin ang mapagsamantalang mga negosyante na nag-ooverprice at nagho-hoard ng face masks, alcohol at personal protective equipment.

Sabi ni Castelo, ilegal ang overpricing, profiteering at hoarding lalo na ngayong deklarado ang public health emergency.

Dapat lang aniyang mahuli ang mga ito at kumpiskahin ang kanilang mga produkto para magamit ng frontliners na ngangailangan nito.

Iginiit nito na kayang matukoy ng Department of Trade and Industry o DTI at Bureau of Customs o BOC ang mga negosyanteng ito mapa-local manufacturers o importers.

Ipinunto ni Castelo na available naman ang mga produktong ito pero halos anim na beses na mas mahal sa orihinal na presyo dahil sa pananamantala ng ilan.

Pahayag ito ni Castelo kasunod ng reklamo ng mga opisyal ng Lung Center of the Philippines na ang presyo ng kada piraso ng PPE na nagkakalaga lang dapat ng P500 ay ibinebenta ng P3,000 sa blackmarket.

Bukod sa Lung Center, dumadaing na rin ang Philippine General Hospital at iba pang ospital ng kawalan ng PPE.

Read more...