Sinabi ni PNP Chief Archie Gamboa ang ginawa nilang hakbang ay base sa rekomendasyon ng kanilang Health Service.
Bahagi ng plano aniya ang pagpapatupad ng decontamination procedure para sa mga pulis na papasok ng mga istasyon o opisina mula sa field duty.
Katuwiran ni Gamboa hindi imposible na makuha ng sinoman pulis ang corona virus sa pagtupad nito ng kanyang mga tungkulin.
Sa ngayon, binabantayan ng PNP Health Service ang 615 pulis na ikinukunsiderang persons under monitoring (PUM) bukod pa sa 45 pulis na persons under investigation (PUI).
May isang police colonel at isang patrolman ang pinangangambahan taglay na ang nakakamatay na sakit.