Sa kaniyang pahayag, sinabi ng senador na kagabi niya nalaman ang resulta ng kaniyang pagsusuri.
Noong March, 20 nang kuhanan ng swab sample si Pimentel.
Ayon kay Pimentel, simula noong March 11 ay limitado na ang kaniyang galaw.
Hiniling ni Pimentel sa publiko na ipagdasal ang kaniyang misis na nagdadalang-tao at malapit nang manganak.
Sinabi ni Pimentel na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang mak-contact ang lahat ng alam niyang nakasalamuha niya.
Laking panghihinayang lang ni Pimentel dahil hindi nito makakapiling ang misis sa panganganak.
Kasabay nito, nagpasalamat din ang senador sa mga medical frontliners at nanawagan ito sa publiko na sumunod ang mga bilin ng DOH para makaiwas sa sakit.
Si Pimentel ang ikalawang senador na nagpositibo sa COVID-19.
Una nang nagpositibo sa sakit si Sen. Juan Miguel Zubiri.