(UPDATED) Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Kuril Islands sa Russia.
Ayon sa datos ng US Geological Survey, tumama ang lindol alas 10:49 ng umaga ng Miyerkules (March 25) oras sa Pilipinas.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 218 kilometers southeast ng Severo-Kurilsk.
Nagtaas naman ng Tsunami Watch sa Hawaii dahil sa nasabing lindol.
MOST READ
LATEST STORIES