Provincial health officer ng Pampanga, nasawi sa COVID-19

Pumanaw matapos tamaan ng COVID-19 ang provincial health officer ng Pampanga na si Dr. Marcelo Jauchico.

Si Jauchico na isa ring dating “doctor to the barrios” ay pumanaw alas 6:37 ng gabi ng Lunes, March 24 ayon sa kaniyang anak.

Sa post ng anak niyang si Cielo Jaochico, hiniling nito na alalahanin ang kaniyang ama hindi bilang doktor na pumanaw sa COVID-19 kundi bilang doktor na maraming nagawa para sa bayan.

Please do not remember him as someone who just died because of COVID-19. Sobrang dami niyang ginawa para sa bayan. Please pray for his soul. Please pray for the souls of those who are still fighting,” ayon sa post ni Cielo.

Nakalulungkot ayon kay Cielo na pumanaw ang kaniyang ama na nag-iisa habang isolated.

Read more...