WATCH: Disinfection sa Antipolo City gamit ang drone

Gumamit ng drone ang pamahalaang lungsod ng Antipolo City sa pagsasagawa ng disinfection sa lungsod.

Ayon sa Antipolo City Government, mas madali ito kaysa sa proseso ng paggamit ng canon sanitizer, fire trucks at mano-manong disinfection.

Gumamit ang lungsod ang octocopter na isang uri ng drone para sa aerial disinfection.

Kaya nitong maglaman ng hanggang 10-litrong disinfectant.

Inaasahang mas mabilis at mas marami pang lugar s na maaabot sa pagsasagawa ng disinfection gamit ang naturang drone.

 

 

Read more...