Ayon sa mga pulis, ito ay upang mapangalagaan ang kalinisan at seguridad ng mga pumapasok at lumalabas sa nasabing police station.
Bukod sa plastik ay may iba pang precautionary measure ang Sta. Ana Police Station gaya ng regular na disinfection at paglilinis.
No face mask, no entry din ang ipinatutupad dito. Nagbigay naman ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng face shield sa mga pulis, na kanilang magagamit lalo sa mga checkpoint.
Kahapon ay kinumpirma ng Manila Police District o MPD na mayroong isang pulis-Maynila na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay MPD PIO Chief LT. Col. Carlo Manuel, base sa isinagawang laboratory test sa RITM, positibo sa COVID-19 ang isang patrolman na hindi muna natin papangalanan.
Ayon sa MPD, nagsasagawa na rin sila ng contact tracing sa mga taong nagkaroon ng close contact sa nasabing pulis.