Sa datos mula sa PAGASA, 37 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa San Jose, Occidental Mindoro.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
Camiling, Tarlac – 36.8 degrees Celsius
Tuguegarao City – 36.8 degrees Celsius
Sangley Point, Cavite – 35.4 degrees Celsius
Dagupan City – 35.2 degrees Celsius
Subic, Zambales – 35.2 degrees Celsius
Bahagya namang bumaba ang temperatura sa Metro Manila.
Umabot lang sa 33.2 degrees Celsius ang naitalang highest temperature sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 35 degrees Celsius ganap na alas 3:00 ng hapon.