Binabantayang LPA ng PAGASA magpapaulan sa silangang bahagi ng Mindanao

Sa mga susunod na araw ay maaring magpaulan sa eastern sectio ng Mindanao ang binabantayang Low Presure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 970 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon naman kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.

Para sa lagany ng panahon ngayong araw, easterlies ang umiiral sa Southern Luzon, Visayas, at sa Mindanao.

Maghahatid ito ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin sa buong bansa.

Read more...