Total lockdown ipinatupad sa India dahil sa COVID-19

Ipinag-utos ni Indian Prime Minister Narendra Modu ang total lockdown sa buong bansa.

Sa loob ng 21 araw, sakop ng lockdown ang 1.3 billion na populasyon ng India sa 36 na mga estado at teritoryo nito.

Ang India ay mayroong mahigit 500 kaso ng COVID-19 at 10 ang nasawi.

Ayon kay Modi, batid nila ang sitwasyon sa maraming panig sa mundo na apektado ng sakit.

Tiniyak ni Modi na gagawin ang lahat para maprotektahan ang mga mamamayan ng India.

Read more...