Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa ibang bansa, nasa 169 – DFA

Nadagdagan ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 24, nasa 169 na oversease Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 25 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 77 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 90 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital habang dalawa ang nasawi.

Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 111 na kaso.

Sumunod dito ang Europe at Americas na may tig-20 na kaso habang ang Middle East naman ay may 18 cases.

Read more...