Hong Kong magpapatupad ng travel restrictions sa loob ng dalawang linggo dahil sa banta ng COVID-19

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino kaugnay ng travel restrictions sa Hong Kong mula Martes ng hating-gabi, March 24.

Partikular na hindi na papayagang na makapasok ng Hong Kong sa loob ng dalawang linggo ang non-residents kabilang na ang transit passengers.

Pinapayuhan naman ng DFA ang mga Filipino na maaapektuhan na mag-adjust ng kanilang travel plans.

Pinaalalahanan din ng DFA ang mga Filipino sa abroad na maging vigilant sa pinaiiral na lockdown sa iba’t ibang bansa dahil sa banta ng COVID-19 sa buong mundo.

Read more...