Kayat nanawagan si Marcos sa National Food Authority (NFA) na ilabas na ang mga nakaimbak na bigas, samantalang dapat din ipamahagi na lang ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa kustodiya nilang puslit na mga isda.
Inihirit din nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ipalabas na ang COVID-19 test kits at masks para maipamahagi na sa Metro Manila.
“Wag nang patagalin ‘yan! Gawin nating priority ang Metro Manila. Dapat i-distribute na ang mga bigas na ‘yan na nabuburo lang sa mga bodega ng NFA. Huwag na nating hintayin pang magutom ang mga kababayan natin na maaring pagsimulan ng kaguluhan,” babala ng senadora.
Aniya, may mga nakausap na siyang Metro Manila mayors at sinabi ng mga ito na may mga bodega naman sila na maaring paglagyan ng mg bigas.
Samantala, sinabi pa nito na ang mga nakumpiska naman ng BOC na mga imported na isda ay ibigay na rin agad sa DSWD para maipakain na sa mga nagugutom.