Opisyal ng AFP, misis nagpositibo sa COVID-19

Ginagamot sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City ang isang one star military officer maging ang maybahay nito dahil sa COVID-19.

Ito ang pagkumpirma ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos at aniya, lumabas ng bansa ang hindi nito kinilalang opisyal.

Aniya, ang mag-asawa ay kapwa napabilang sa mga persons under investigation (PUI) noong Marso 15.

Dagdag pa ni Santos, asymptomatic ang naturang opisyal at patuloy na inoobserbahan ang mag-asawa sa nabanggit na military medical facility.

Kinakailangan lang aniya na magpatuloy ang gamutan hanggang sa tuluyang gumaling ang mag-asawa at diin pa ni Santos, istriktong sinusunod nila ang protocols na inilatag ng DOH para sa may taglay ng COVID-19.

Nakatalaga sa Camp Aguinaldo ang may sakit na opisyal.

Read more...