Bilang ng nasawi sa Italy dahil sa COVID-19 mahigit 6,000 na

Pumalo na sa mahigit 6,000 ang nasasawi sa Italy dahil sa sakit na COVID-19.

Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ang Italy ng 601 na panibagong bilang ng nasawi. Sa ngayon ay 6,077 na ang death toll ng Italy.

Ang Spain naman ang ikatlong bansa na mayroong pinakamarami nang nasawi sa COVID-19.

2,311 na ang death toll ng Spain at 539 ang naitalang nasawi sa magdamag.

Pumapangatlo sa may pinakamaraming bilang ng nasawi ang Iran na nakapagtala na ng 1,817 na nasawi.

Sa magdamag, ang France ay nagtala ng 186 na nasawi at 860 na ang death toll nito dahil sa COVID-19.

 

 

Read more...