Dalawa pang Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong

Dalawang Filipino national pa sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Consulate General of the Philippines sa Hong Kong, sa ngayon mayroon nang limang Pinoy ang positibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

Tiniyak ng konsulada na namomonitor ng mabuti ang kanilang sitwasyon at sinisigurong naibibigay ang kanilang kailangan.

Patuloy din ang panawagan sa mga Pinoy sa Hong Kong na maging maingat at panatilihin ang pagiging malinis sa katawan para makaiwas sa sakit.

Read more...