Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 198.33 meters alas-6 ng umaga ng Martes (March 24) mas mababa sa 198.59 meters na antas nito kahapon.

Bahagyan namang nadagdagan ang water level ng La Mesa dam na nasa 76.93 meters, alas-6 ng umaga.

Nanatili naman sa 101.00 meters ang antas ng tubig sa Ipo dam.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan Magat at Caliraya dams habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ambuklao dam.

Read more...