Unang naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 93 kilometers Southwest ng bayan ng Agno, alas-5:24 ng madaling araw ng Martes (March 24) at may lalim na 43 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Ito na ang ikatlong may kalakasang pagyanig sa bayan ng Agno ngayong araw.
Alas 4:23 ng umaga nang tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa naturang bayan.
MOST READ
LATEST STORIES