Nagsimula ang sunog pasado alas 2:00 ng madaling araw sa bahagi ng Marigol Street at mabilis ang naging pagkalat ng apoy.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago na ideklarang under control.
Ayon kay Fire Supt. Arthur Sawate, Las Las Piñas City Fire Marshall, base sa sumbong ng mga residente sa lugar ay mayroong nag-away sa isang bahay na maaring pinagmulan ng apoy.
Tinatayang nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan bunsod ng nasabing sunog.
MOST READ
LATEST STORIES