Calatagan, Batangas niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 16 kilometers Southwest ng bayan ng Calatagan, alas-2:23 ng madaling araw ng Martes (March 24).

May lalim na 176 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...