Sa datos mula sa PAGASA, 36.6 ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Camiling, Tarlac.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
San Jose, Occidental Mindoro – 36 degrees Celsius
Tuguegarao City – 35.7 degrees Celsius
Hacienda Luisita, Tarlac – 35.6 degrees Celsius
Cotabato City – 35.5 degrees Celsius
Umabot naman sa 34.2 degrees Celsius ang naitalang highest temperature sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees Celsius ganap na alas 1:50 ng tanghali.
MOST READ
LATEST STORIES