Pag-inom ng alak sa Valenzuela City, bawal muna

Ipinagbabawal na muna ang pagbebenta, pagbili, pagbibiyahe at pag-inom ng alak sa Valenzuela City.

Sa ilalim ng Ordinance no. 129, sinabi ng Valenzuela City government na epektibo ito habang nakasailalim sa enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19.

Maliban dito, ipagbabawal din sa mga nakainom ng alak na gumala sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Multang P5,000 ang kahaharapin ng sinumang mahuhuling lalabag sa ordinansa.

Nakasaad din sa ordinansa na tatanggalan ng business permit ang mga establisyementong lalabag sa ordinansa.

Read more...