Tarragona, Davao Oriental nilindol

Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Tarragona, Davao Oriental Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 28 kilometers Southeast ng Tarragona bandang 5:19 ng hapon.

158 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...