Bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19, nasa 33 na – DOH

Umabot na sa 33 ang kabuuang bilang ng nasawi sa Pilipinas dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00 ng hapon, March 23, walo pang ang pasyente ang nasawi sa bansa.

Kabilang sa mga napaulat na nasawi ay ang patient number o PH281 na 57-anyos na lalaking Filipino mula Mandaluyong City.

Pumanaw ang pasyente bandang 12:18 ng tanghali noong March 19 dahil sa Septic Shock, Severe Pneumonia at COVID-19.

Nasawi rin ang PH266 na isang 77-anyos na lalaking Filipino mula sa Quezon City.

March 20 dakong 2:32 ng madaling-araw nang pumanaw ang pasyente bunsod ng Septic Shock, Community Acquired Pneumonia-HR at COVID-19.

Pumanaw din ang PH279 na isang 73-anyos na lalaking Filipino, residente ng San Juan City.

Nasawi ang pasyente bandang 12:01 ng tanghali noong March 16 dulot ng Septic Shock at Community Acquired Pneumonia-HR.

Sa datos pa ng DOH, pumanaw din ang PH304 na residente ng Bulacan.

Ang 89-anyos na lalaking Filipino ay nasawi noong March 20 bandang 10:50 ng gabi dahil sa Myocardial infarction, Pneumonia, Multiple electrolyte imbalance.

Pumanaw din ang PH328 na isang 74-anyos na lalaking Filipino mula sa Quezon City.

Acute Respiratory Failure secondary to Community-acquired Pneumonia ang sanhi ng pagpanaw nito noong March 13.

Ayon pa sa DOH, nasawi ang PH333 na isang 65-anyos na lalaking Filipino mula sa Quezon City noong March 21.

Dahilan ng pagpanaw nito ay ang Acute Respiratory Distress Syndrome, COVID-19 at Pneumonia.

Pumanaw din ang PH367 na isang 78-anyos na lalaking Filipino noong March 22.

Residente ang pasyente ng Parañaque City at nasawi bunsod ng Acute Respiratory Distress Syndrome, Septic Shock, Community-acquired Pneumonia-HR at COVID-19.

Nasawi rin ang PH349 na isang 56-anyos na lalaking Filipino na mula rin sa Parañaque City.

Ayon sa DOH, Acute Respiratory Failure secondary to Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to Acute Viral Pneumonia ang sanhi ng pagpanaw nito noong March 17.

Read more...