Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 82: Kabuuang bilang, pumalo na sa 462

Nadagdagan pa ang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (March 23), nasa 82 ang nadagdag sa bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ito ang pinakamataas na naitala sa bansa sa loob lamang ng isang araw.

Dahil dito, pumalo na sa 462 ang kabuuang confirmed COVID-19 patients sa bansa.

Samantala, sinabi ng DOH na mayroong isa pang pasyente na naka-recover sa nakakahawang sakit.

Gumaling ang patient number 73 o PH73 na isang 54-anyos na lalaking Filipino mula sa Maynila.

Mayroon itong travel history sa Thailand.

Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong March 6 at nakumpirmang positibo sa COVID-19 noong March 13.

Sinabi ng DOH na na-discharge na ang pasyente noong March 21 matapos maging asymptomatic at nagnegatibo sa sakit.

Dahil dito, nasa 18 na ang gumaling na kaso ng COVID-18 sa bansa.

Read more...