Ito ang sinabi ni Interior Usec. Jonathan Malaya matapos nilang pansinin ang ginawa ni Punong Barangay Eric Ambrocio.
Magugunita na nag-viral sa social media ang larawan ng curfew violators habang nakakulong sa maliit na kulungan para sa mga aso sa Barangay Gatid.
Katuwiran ni Ambrocio, lasing ang mga lumabag sa curfew bukod pa sa pinagbantaan at pinagmumura umano ng mga ito ang mga opisyal ng barangay.
Tumanggi rin aniya ang mga ito na sundin ang pakiusap ng mga opisyal na umuwi na at sumunod sa curfew alinsunod sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
READ NEXT
Hazard pay sa mga manggagawa sa gobyerno sa gitna ng enhanced community quarantine, aprubado na ni Pangulong Duterte
MOST READ
LATEST STORIES